Kaisa Theme Song

Itong Pilipinas, bayan naming mahal
Ito ang lupaing sa ami´y nagsilang
Pulo nito´t bayan ang aming tahanan
Ito´y langit namin, pag–asa at hirang.

Mga puso nami´y kaisa ang pintig
Minimithi namin, matindig ang lahi
Kasama n´yo kami, laging kaagapay
Sa lahat ng hamon at unos ng buhay.

Kami´y kaisa ninyo! Kasalo at kasama
Mga palad natin ay magkakaugnay
Iisa lang ang ating pag–asa at tagumpay
Yumabong, bumulas lupang tinubuan

Kami´y kaisa ninyo kalahi at kabayan
Mga palad natin ay magkakaugnay
Iisa lang ang ating hangarin at damdamin
Kaisa! Kaisa! Hanggang sa tagumpay.

Words by Rene O. Villanueva
Music by Archie Castillo

HOME